Nainip sa paghihintay sa retirement pay PNP OFFICIAL NAG-SUICIDE

ISANG KARI-RETIRO PA lamang na opisyal ng pulisya ang sumunod sa ginawa ni dating AFP Chief of Staff at dating DND Secretary Angelo Reyes nang magbaril ito sa sarili kahapon ng umaga sa loob ng kanyang tindahan sa Sikatuna St., Brgy. Zapatera, lalawigan ng Sugbo.

Kinilala ang nagpakamatay na si retired Police Insp. Joselito Palang, alyas Joel Pal, 56-anyos, dating nakatalaga sa Waterfront police, isang biyudo at residente ng nabanggit na lugar.

Ang pagkakaiba kay Reyes, ay ang dahilang hindi pa nito natatanggap ang kanyang retirement pay kung saan nagretiro ito sa serbisyo noong isang taon pa.

Sa imbestigasyon nina PO3 Geoffrey Gutual, PO3 Julius Mabunay, PO3 Victor Ayuman ug PO2 Cristobal Geronimo, naganap ang pagpapakamatay ni Palang alas 9:00 ng umaga at lumalabas umano sa pag-iimbestiga na nainip na ito dahil hindi pa natatanggap ang kanyang retirement pay na nagkakahalaga ng dalawang milyon piso.

Isang tama ng bala mula sa kalibre .38 paltik sa ulo ang tumapos sa buhay ni Palang.           (ROMY TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.