NAIA, pasok na naman sa worst airport sa buong mundo

MULI NA namang napasama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa listahan ng pinakamalalang paliparan sa buong mundo.

Sa “10 Worst Airports in the World” list ng Wall St. Cheat Sheet, isa sa pinakamalaking financial media company sa Estados Unidos, nakapasok sa ika-walo ang NAIA.

Binalikan ng Wall St. Cheat Sheet ang paglalarawan ng CNN Travel sa paliparan ng bansa na: “Beleaguered by ground crew strikes, unkempt conditions, soup kitchen-style lines that feed into more lines and an overall sense of futility, NAIA brings the term ‘Stuck in the 1970s’ to a new level.”

Ayon pa sa financial media company, ang tindi ang siksikan sa NAIA. “Despite overcapacity issues, Terminal 1 seems particularly crammed, and Terminal 3, which is new, is only occupied by minor carriers at the Manila-based airport.”

Nanguna naman sa nasabing listahan ang Sao Paulo-Guarulhos International na sinundan ng Chicago Midway International, John F. Kennedy International, N’Djamena International at Paris Beauvais Tille.

Nakapasok naman sa ika-anim ang London Heathrow, sinundan ng LaGuardia, NAIA, Jomo Kenyatta International at panghuli ang Tribhuvan International.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.