Nahulog na sa Tricycle, Nasagasaan pa Misis, Basag ang Bungo sa Van

PATAY ANG isang babae matapos mahulog sa sinasakyang tricycle na minamaneho ng kanyang asawa. Nasagasaan din ito nang sumusunod na van sa may Brgy. Bantay Abot, Narvacan, Ilocos Sur.

Nakilala ang misis na si Corazon Lazarte, 43, ng Brgy. Quinarayan, Narvacan. At ang mister na nagmamaneho ay nakilalang si Arnold Lazarte.

Ayon sa ulat ng Narvacan PNP, nahulog ang biktima sa tricycle matapos mawalan ng kontrol ang drayber nito. Eksaktong dumaan naman ang kasunod nitong van na nakasagasa sa mismong ulo ng biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.