Nahulog habang nagkukumpuni ng sinirang bubong ni Pedring Biyudo, basag ang bungo

BASAG ANG BUNGO ng isang 69-anyos na biyudo makaraang mahulog ito mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang madulas ito sa kahoy na kanyang tinutungtu-ngan kahapon ng hapon ng Valenzuela City.

Patay na nang ida-ting sa Philippine General Hospital, Manila, sanhi ng pagkabasag ng bungo ng biktimang si Juanito Cordita ng Dulong Tangke St., Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang kukumpunihin ng biktima ang bubong ng kanilang bahay na sinira ng nagdaang bagyong Pedring.

Paakyat na si Cordita sa bubong nang aksidenteng madulas ito sa kanyang pinapatungang kahoy sa terrace ng kanilang bahay na ikinabagsak nito.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak subalit idineklara na rin itong patay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.