Nahuling nakikipag-inuman sa kalaguyo Misis, Tinaga ni Mister

TINAGA NG isang mister ang kanyang misis sa sarili nilang bahay sa Brgy. Tinigao, Kalibo, Aklan matapos itong mahuli na nakikipagyakapan at nakikipaghalikan sa kainuman nito.

Kinilala ang biktimang si Aileen Tenaza, 41, na naka-confine ngayon sa Aklan Provincial Hospital. Kinilala naman ang asawa at suspek na si Sammy Tenaza, isang laborer.

Ayon na rin sa nakalap na impormasyon, nakita umano ni mister sa aktong nakikipaghalikan ang kanyang misis na nagpaalam lang na lalabas saglit sa kanyang kainuman.

Sinugod umano ng suspek ang hinihinalang kalaguyo ngunit nakatakas ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.