Nagyabang na Nakapatay, Kulong

DAHIL SA pagyayabang sa mga kainuman na nakapatay na, natimbog ang lalaki na nagtago ng dalawang taon sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang dinakip na may kasongMmurder na si Jeffrey Malinao, 21 ng Gozon Compd., Tonsuya ng lungsod.

Sa ulat, alas-6 ng umaga nang madamba ang suspek sa nasabing lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Celso Magsinoc ng RTC Branch 74.

Nabatid na kamakalawa ng gabi ay bumalik ang suspek sa nasabing lugar matapos mawala ng dalawang taon at nakipag-inuman.

Pinagyabang sa mga kainuman na nakapatay na ito subalit may nakarinig na ibang tao na nagsumbong sa mga pulis.

Nahagilap ng mga pulis ang warrant of arrest ng suspek na naging dahilan upang abangan sa paglabas si Malinao bago dinamba.

Lumalabas na nakapatay ng kalugar si Malinao noong 2011 at nagtago.

(MARY H.SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.