Nagturuan sa Chit sa Beerhouse: Sekyu, Tinarakan sa Mukha ng Kainuman

KRITIKAL SA pagamutan ang isang guwardiya makaraang saksakin ito ng kanyang kainuman matapos ang pagtatalo sa pagbabayad ng kanilang chit na ininom na alak sa isang beer house kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Ginagamot ngayon sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng saksak sa mukha ang biktimang si Jeffrey Geronimo, 31, ng M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Navotas Police ang suspek na si Ranje Candelaio, 29, may-asawa, ng Bacog St. Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:20 ng madaling nang maganap ang insidente sa loob ng Mariñas Beerhouse na matatagpuan sa M. Navala St., ng nasabing lungsod kung saan nag-iinuman ang suspek at ang biktima.

At nang malasing ay nagpasyang umuwi na ang biktima subalit pagdating sa bayarin ng nakunsumong alak ay pinagtatalunan nina Geronimo at Candelaio hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo dahilan upang bunutin ng suspek ang dala nitong patalim at sinaksak ang biktima.

Dito, dinala sa nasabing pagamutan ang biktima para lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat habang nadakip naman ang suspek .

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.