Nagtatanong Lang!: Kotse ni Jose Manalo, hinatak?

How true na hinila na ng casa ang sasakyan ni Jose Manalo?

True din bang hindi na raw kasi nakakahulog si Jose sa kanyang sasakyan kaya naman ito hinatak na?

Limited ngayon ang pinagkakakitaan ni Jose lalo pa’t nag-leave of absence siya sa Eat Bulaga. Isang buwan na halos siyang hindi umaapir sa nasabing noontime show matapos na pati siya ay madamay sa sinasabing swindling case na inirereklamo ng ilang ka-deal ng asawa niya sa negosyo.

Sa isang interview ay sinabi ni Jose na hindi swindler ang asawa niya. Hindi rin daw sila tinatantanan ng mga nagrereklamo. Pati nga sa mga shows niya sa comedy bars ay binabastos siya habang siya ay nagpe-perform.

by Alex Brosas

loading...

One thought on “Nagtatanong Lang!: Kotse ni Jose Manalo, hinatak?

Leave a Reply

Your email address will not be published.