Nagtatampo pa rin sa anak
Willie Revillame, ayaw pa ring kausapin si Meryll Soriano

Willie-Revillame-Meryll-SorianoINAMIN SA amin ni Meryll Soriano na hanggang sa ngayon pala, ‘di pa rin sila nagkakausap ng amang si Willie Revillame. Tine-text at tinatawagan ang ama, pero hindi siya sinasagot nito, consistent pa rin sa mga pahayag nito na wala siyang sama ng loob sa ama at ang tanging ‘di nila pinagkakaintindihan sa ngayon ay ang kagustuhan niyang tapusin muna ang kanyang pag-aaral sa London bago niya pamahalaan ang negosyo ng ama, samantalang ang gusto naman ni Willie ay pamahalaaan na niya ang kanilang mga negosyo at ‘wag na niyang tapusin ang kanyang pag-aaral dahil sa huli ay sila rin namang mga anak ang magmamana nito.

Para kasi kay Meryll, gusto niyang matutuhan ang lahat bago siya sumabak sa negosyo ng ama at naniniwala  siya na sa ngayon ay kulang pa siya sa karanasan at kaalaman lalo’t ‘di biru-biro ang responsibilidad na maaatang sa kanya.

Mananatili sa bansa hanggang sa Setyembre ng susunod na taon at sa ngayon ay magtatrabaho muna para makalikom ng pera na pambabayad niya ng tuition fee sa susunod na pasukan para sa kanyang pag-aaral. Dati ang nagpapaaral kay Meryll ay ang kanyang stepdad, ngayon ay solo nang babalikatin ng aktres ang lahat ng gastusin lalo’t ‘di biro ang halaga ng magagastos para makatapos ka ng pag-aaral sa London.

May nakarating lang na bali-balita sa amin na pinagbebenta na raw ni Willie ang ilan sa kanyang mga ari-arian mula raw nang mawala sa ere ang Wowowillie. Pati nga raw ang mga mga mamahaling sasakyan ng TV host dati ay ibinebenta na rin pati na rin daw ang Wil Event’s Tower. Hindi naman makapagbigay ng anumang komento tungkol dito si Meryll dahil ‘di niya alam kung may katotohanan ang mga lumalabas na mga balita tungkol sa ama.

Kinumusta rin namin ang kanyang foreigner non-showbiz boyfriend, ayaw magbigay ng detalye tungkol dito ang aktres pero siniguro niya sa amin na masaya at kuntento siya sa kanilang relasyon.

 

NAKAUSAP NAMIN si Matt Evans sa nakaraang benefit show ng ABS-CBN, ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na! An All Star Benefit Show at dito ay inamin ng aktor na masaya at kuntento siya sa pigging isang asawa at ama sa ngayon.

Ikinasal kay Katrina Farina noong nakaraang Oktubre 3 sa isang civil wedding, ayon sa aktor ngayon ay mas may direksyon ang buhay niya kung saan ang iniisip na lang niya ay ang magtrabaho at mag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang asawa at mga anak. May isang anim na taong gulang anak, isang taong gulang sa kanyang mga naunang girlfriends at magiging ama na rin sa magiging anak nila ni Katrina, pagkatapos ng kontrobersiya na dinaanan ni Matt noong nakaraang taon nang idemanda siya ng ka-live in partner sa kasong slight physical injury, kung saan nakalaya naman agad si Matt nang magpiyansa ito ng P200,000, ngayon mas napatunayan ni Matt na pagkatapos ng anumang problemang kinahaharap ng isang tao, maayos din ang lahat.

Labis ang pasasalamat sa pagiging supportive at maunawain ng asawa, sa nakikita namin kay Matt ay ramdam namin ang pagiging mas responsable at mas may direksyon nito sa buhay.

Sa ngayon, ginagawa ang pelikulang pagtatambalan muli nina Xian Lim at Kim Chiu, kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Kim, labis ang pasasalamat ni Matt dahil sa kabila ng mga pinagdaanang problema at kontrobersiya ,patuloy ang pagbibigay ng trabaho sa kanya ng ABS-CBN.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Nagtatampo pa rin sa anak
Willie Revillame, ayaw pa ring kausapin si Meryll Soriano

Leave a Reply

Your email address will not be published.