Nagtatagayan sa kalye5 Kabataan, Kalaboso

LIMANG KABATAAN na kinabibilangan ng isang babae ang pawang humantong sa loob ng selda makaraang maaresto ang mga ito ng mga pulis habang nagtatagayan ng alak sa kalsada kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Kinilala ang mga naarestong kabataan na sina Ninalyn Capati, 19, dalaga, estudyante, ng # 315 Stotenberg, Caloocan City; Oscar Trinidad, 18, binata, ng # 41 San Jose St., Quezon City; Eljhay Loriano, 18, binata, ng # 17 Mangosteen Rd., Potrero, Malabon City; Eric Balbin, 18, estudyante, ng # 131 B. Natividad St., Caloocan City; at Raymond Espina, 27, binata, ng # 165 M.H. Del Pilar St., Tinejeros St., Malabon City.
Sa pinagsamang ulat nina PO2 Enrique Pangan at PO2 Cesar Garcia, ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan PNP at mga may hawak ng kaso, dakong alas-12:30 nang maa-resto ang mga nasabing kabataan sa kahabaan ng Nadurata St. kanto ng 9th Avenue.
Nabatid na naaresto ang mga nabaggit na kabataan nang magsagawa ng “Oplan Galugad” sina PO1 Elmer Molina, PO1 Celso Abano at PO1 Oscar Trinidad, mga elemento ng SWAT ng Caloocan PNP habang nagtatagayan ng alak sa nasabing lugar.
Kinuha ng mga nasabing pulis ang isang boteng alak, dalawang baso, isang plastic na pitsel, at isang plastic container na gagamitng ebidensiya laban sa mga naarestong kabataan.
Ang mga kabataang inaresto ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa sa city ordinance (drinking in public places) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.