Nagtapon ng Granadang Ikinamatay ng 2 Katao sa Capiz, Tukoy Na

NAKILALA NA ang suspek na responsable sa pagtatapon ng granada sa bahay ng pamilya Marquez sa Barangay Libo-o, Mambusao, lalawigan ng Capiz na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay SPO4 Edwin Javedra, deputy chief of police ng Mambusao Police Station, nakilala ang suspek sa pamamagitan ng kamag-anak ng mga biktima na siyang tumatayong testigo at naging kasama pa nito sa pag-inom bago nangyari ang nasabing insidente.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng awtoridad na paghihiganti ang motibo sa krimen dahil sinampahan ng kasong pangagagahasa ng pamilya Marquez ang tiyuhin ng suspek na nakakulong matapos gahasain ang isang miyembro ng nasabing pamilya.

Batay sa salaysay ng testigo, ikinagulat nito nang sabihin sa kanya ng suspek na kasama nilang uminom noong Disyembre 31, 2011 ng gabi na may hawak itong granada na itatapon sa bahay ng pamilya Marquez. Hinikayat pa ito ng suspek na sumama sa bahay ng mga biktima para masaksihan nito ang kanyang gagawin.

Pagkaraan ng ilang segundo ay narinig na lamang niya ang malakas na tunog buhat sa itinapon na granada.

Kaagad niyang isinumbong sa magulang ang nalalaman na naghikayat sa kanya na magsumbong sa mga kinauukulan para mabigyan ng katarungan ang namatay na mga biktima.

Samantala, pinagha-hanap na ng pulisya ang suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.