Nagtanong ng Regla at Sexperience sa Menor; Kelot, Kalaboso

DAKIP ANG isang lalaki sa Quezon Province matapos bastusin ang isang menor de edad nang tanungin tungkol sa menstrual period at karanasan nito sa sex.

Kinilala ang salarin na si Ubaldo Reyes ng bayan ng Gumaca.

Base sa pagsisiyasat , Abril 10 umano nang tanungin ng salarin ang 13-anyos na dalagita kung ni-reregla na ito o di kaya’y may karanasan na sa pakikipagtalik.

Dahil sa naramdamang takot at pagkabastos, nagsumbong ang hindi na pina-ngalanang biktima sa kanyang mga magulang.

Samantala, agad naman itong dumulog sa PNP Gumaca para sa ikakahuli ng suspek.

Sa ngayon, nahaharap na si Reyes sa kaukulang kaso sa Assistant Provincial Prosecutor’s Office.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.