Nagtangkang Manggahasa, Kasero, Binayagan ng Dalaga

SWAK SA kulungan ang isang kasero nang hindi umubra ang kamanyakan nito matapos sipain sa bayag ng dalaga nang pagtangkaan nitong halayin habang ang huli ay nasa loob ng inuupahang silid kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police habang nahaharap sa kasong Rape ang suspek na si Arnold Naga, 48, may-ari ng inuupahang kuwarto ng biktima at naninirahan din sa naturang lugar.

Nagtungo naman sa himpilan ng pulisya upang pormal na magharap ng kasong Rape ang biktimang si Jopay, 20, accounting student ng Manila Central University (MCU) at pansamantalang naninirahan sa Diamond St., Interville Subdivision, Brgy. 164 ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng hapon sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima.

Kasalukuyang nagpapahinga ang biktima sa kanyang kuwarto nang dumating ang kasero nito na lasing at walang sabi-sabing pumasok sa silid ng dalaga.

Agad umanong pinaghihimas ng suspek ang maseselang parte ng katawan ng biktima hanggang sa madaganan nito ang katawan ng dalaga ngunit hindi naman pinanghinaan ng loob si Jopay.

Nang makakuha ng tiyempo ay nagawang masipa ng dalaga ang harapan ng suspek dahilan upang magsisigaw ito sa sakit na sinamantala naman ng biktima upang makatakbo.

Agad itong nagtungo sa barangay hall na nagresulta sa pagkakadakip kay Naga.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.