Nagtangkang manggahasa Bagong laya, inaresto sa kainitan ng seks

MULING INARESTO NG mga awtoridad ang isang bagong layang hoodlum matapos na makilala ito ng isang dalaga sa pamamagitan ng namamagang labi ng suspek na kinagat ng biktima habang tinangkang gahasain kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang suspek na inaresto ni SPO3 Jess Sagisi, hepe ng Investigation Unit ng Valenzuela PNP habang nakikipagniig sa kanyang asawa ay nakilalang si Christino Estrada, 28, may-asawa at residente ng # 6175 Feliciano St., Brgy. Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Base sa salaysay ng biktima kay PO3 Lorena Hernandez ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Valenzuela Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang pagtangkaang pagsamantalahan ng suspek ang biktima.

Sinabi pa ng biktima na tinutukan siya ng patalim ng suspek, kinuha ang kanyang cellphone, salapi at kinaladkad siya sa isang madilim at matalahib na lugar.

Dito ay pinaghahalikan ng suspek ang biktima sa leeg at labi habang pilit na inaalis ang pants ng babae, at nang manlaban ito ay sinuntok ang babae sa sikmura.

“Doon ko po siya kinagat nang mariin kaya nabitiwan niya ako at dahil siguro sa sakit ay iniwan na lang niya ako,” wika pa ng biktima.

Kaagad namang nagpunta ang biktima sa police station at ini-report ang nangyari sa kanya at hindi nagtagal ay naaresto naman ang suspek.

Si Estrada ay kalalaya lamang sa piitan matapos na makulong ito noong nakalipas na December 20, 2010 at nakapagpiyansa sa kasong carnapping.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.