Nagtangkang magpakamatay
Dalagita, Na-Overdose sa Gamot

ISANG 17-ANYOS na out-of-school youth ang pinaniniwalaang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pag-overdose sa sarili ng gamot na antibiotic sa Poblacion, Malinao, Aklan.

Natagpuan ang nasabing biktimang na-kilala sa alyas na Ning, residente ng naturang lugar na walang malay sa loob ng kanyang silid dahilan kaya isinugod ito sa Aklan Provincial Hospital.

Naikuwento ng ina ng biktima na halos tatlong araw na ring nilalagnat ang kanyang anak na maaaring dahilan ng kanyang depresyon.

Samantala, narekober naman sa kuwarto ng biktima ang dalawang banig ng isang klase ng gamot na antibiotic.

Kasalukuyang nagpapagaling pa sa pagamutan ang biktima.

Napag-alaman rin na fourth year high school na sana ang naturang dalagita nang mapahinto sa kanyang pag-aaral.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.