Nagtangkang Magpakamatay
Bebot, putol ang paa sa MRT

PUTOL ANG paa ng isang babae matapos masagasaan ng Metro Rail Transit (MRT) sa lungsod ng Mandaluyong.

Naganap ang insidente matapos tangkain umano ng nasabing babae na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon at sumalubong sa paparating na tren sa south bound lane ng Shaw Boulevard station alas-11:15 ng tanghali kahapon.

Sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol III na agad namang nasaklolohan ang ginang ng kanilang medical team at nilalapatan na ito ng lunas sa malapit na ospital.

Samantala, libu-libong pasahero naman ang naapektuhan ng naturang pangyayari dahil hindi makabiyahe ang south bound route ng mga tren.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.