Nagtangkang lumundag sa dagat “Coach Freddie Roach”, nalula sa tulay, umurong

CEBU – STAR-STUDDED ANG tangkang pagpapakamatay ng isang American national na napagkamalang si Boxing Coach Freddie Roach sa Mactan Channel sa Lapu-Lapu City.

Sa ulat ni Supt. Wilson Abot ng Opao Police Station, umakyat ang dayuhan na itinago sa pangalang “Johnston” sa Marcelo Fernan Bridge, na may 50 piye ang taas upang lumundag sa Mactan Channel.

Subalit nagbago aniya ang isip ng dayuhan dahil nalula ito sa taas ng tulay.

“I wanted to jump, but it was scary,” ayon pa sa dayuhan na tubong Alabama.

Sa pahayag ni Johnston sa pulisya, naisipan niyang wakasan ang buhay dahil sa financial problem na nag-ugat ng pagkabangkarote ng kanyang resto-bar sa Basak, Lapu-Lapu City at pinoproblema rin ang mapapasong immigration papers.

Paliwanag ng dayuhan, aabot sa P20,000 ang kanyang bayarin bukod pa sa P60,000 na renta ng kanyang resto-bar gayu’ng ang laman ng kanyang bulsa ay P90, kaya nais na lamang niyang magpakamatay.

Sinasabing bago makaakyat si Johnston sa tulay ay nakita pa ito nina Zaldy Moreno at Ladon Quiño, maintenance ng nasabing tulay at inakalang ang coach ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kaya sinundan ito para magpa-picture-taking.

Subalit nagulat sila sa mga ikinilos nito na tangkang pagpapakamatay kaya naman humingi ng tulong sa pulisya.

Dahil dito, mistulang pelikula ang eksena, kung saan nagresponde ang police mobile at ambulansya sa lugar. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.