Nagtampo sa Magulang; Binatilyo, Nagbigti

DAHIL SA pagtatampo sa kanyang magulang, nagawang wakasan ng binatilyo ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti sa banyo Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Hindi na nagawang pang isalba ng mga manggagamot nang dalhin sa Jose Rodriguez Memorial Hospital si Jordan Rosales, 14 ng Barracks 2, Tala ng lungsod.

Nabatid na nagtampo ang biktima sa kanyang ina na si Mariafe at  alas-12:30 ng tanghali nang makitang nakabigti ng sinturon ang binatilyo sa loob ng kanilang banyo.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa nasabing pagamutan, kung saan inaalam na kung ano ang tunay na dahilan ng pagtatampo ng una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.