Nagtampo sa Dyowang Tibo; Bebot, Lumaklak ng Muriatic Acid

MUNTIK NANG bawian ng buhay ang isang 18-anyos na dalaga matapos uminom ng muriatic acid dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang tomboy na karelasyon sa Brgy. Talamban, Cebu City.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Lorena Benarez, nagtatrabaho sa isang resto bar at nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ka-live in partner nitong tomboy na nagngangalang “Anicita”, nagtampo ang kanyang kasintahan dahil hindi sila nagkasabay sa pagligo kung saan gusto ng biktima na palagi silang magkasabay sa lahat ng kanilang ginawa.

Ngunit kamakailan ay naunang naligo at agad pumasok sa trabaho si Anicita kaya masama ang loob ni Benarez.

At nang umuwi ito sa kanilang bahay kumuha ito ng isang basong muriatic acid at saka nilagok.

Samantala, nang makita ito ni Ancita ay naninigas na at bumubula ang bibig kaya dali niya itong isinugod sa Cebu City Medical Center na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa rin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.