Nagtalo sa Tong-its; Jail Officer, Namaril ng Mag-ama

KULONG ANG isang jail officer matapos barilin ang mag-ama sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Kinilala ng mga kinauukulan ang salarin sa pangalang JO1 Hilario Abella, 38, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cataggaman, Tuguegarao City habang ang mga biktima ay ang mag-amang sina Joselito Bayanggos Sr., 49, at Joselito Bayanggos Jr.,13, pawang residente ng Brgy Centro Norte, Alcala.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nagkaroon ng pagtatalo si Abella at ang matandang Bayanggos habang naglalaro ang mga ito ng tong-its dahil sa pagtataya ng biktima.

Binato umano ng baso ni Abella si Bayanggos kung kaya’t tinangka nitong gumanti kung saan kumuha ito ng itak na kanyang armas.

Pero nang makita ito ng jail officer ay dali-daling umalis sa lugar pero pagbalik nito ay may dalang baril at pinaputukan ang mag-ama ngunit nakailag ang mga ito.

Narekober din ng mga rumespondeng pulis ang dalawang basyo ng bala ng 9mm na baril sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad si Abella na nahaharap ngayon sa kasong attempted homicide.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.