Nagtalo sa pamasahe Pasahero, Sinaksak ng Driver

NASA MALUBHANG kalagayan ang isang lalaking pasahero makaraang saksakin ng driver ng sinasakyang tricycle nang magtalo ang dalawa hinggil umano sa mataas na singil sa pasahe ng suspek sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Agaw-buhay ngayon sa President Diosdado Memorial Medical Center si Elmer Molina, 18, residente ng Nadurata St., Barangay 57 ng nasabing lungsod sanhi ng saksak sa leeg na tumagos sa batok.

Agaran namang tumakas ang hindi nakikilalang suspek matapos ang pananaksak dala-dala ang ginamit na patalim sa hindi nabatid na direksiyon.

Kuwento ng testigong si Ariel Carolina, pasahero rin ng suspek, si Molina ay nagpahatid sa kanto ng kanilang bahay sa Nadurata St., bandang alas-10:34 ng gabi.

Sinabi ni Carolina, umangal ang biktima dahil mataas ang singil sa pasahe ng suspek na nangatuwiran naman ang huli na tumaas daw ang presyo ng gasolina kung kaya’t nagtaas din siya ng singil.

Dahil doon, nagkasagutan ang dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang tricycle driver at sinaksak ang biktima, saka mabilis na tumakas sakay ng minamanehong tricycle

Mabilis namang dinala ni Carolina si Molina sa nasabing pagamutan kung saan ito ay kritikal pa ang kalagayan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.