Nagsampay sa Live Wire, Nangisay

NAGMISTULANG KULIGLIG na kumikislap ang katawan ng isang binata nang daluyan ng malakas na boltahe ang katawan nito makaraang makuryente nang sampayan ng basang damit ang live wire sa bayan ng San Carlos, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, galing sa kanyang pinagtatrabahuan dakong alas-3:00 ng madaling-araw si Agno Josue, 27-anyos, driver, at tubong Sta. Ana, Tarlac nang maisipang maglaba.

Sinasabing dahil sa sobrang antok nito ay nagsampay ito at hindi namalayang isang kawad ng kuryente na nabalatan ang kanyang pinaglagyan ng mga basang pantalon at T-shirt.

Sinabi naman ng kapitbahay ng biktima na nagulat na lamang sila na parang may biglang nagliwanag sa bandang bintana sa bahagi ng taas.

Nang siyasatin ay nakita ang katawan ng biktima na tila nagliliwanag at ilang saglit lamang itong nakasigaw.

Makaraang patayin ang switch ng kuryente sa lugar ay tinangka pang isalba si Josue at dinala sa ospital subalit nasawi rin ito habang nasa daan.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.