Nagreklamo sa kapitbahay Mister, Sinaksak ng Kaaway

KRITIKAL SA pagamutan ang isang mister nang patraydor itong saksakin ng nakaalitan ng una makaraang magreklamo ito sa kanilang barangay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng tinamong dalawang saksak sa likod ang biktimang si Norman Regala, 36, ng No. 870 de Castro Subdivision, Brgy. Malinta ng nasabing lungsod.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Boyong Donesa, kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahil sa ginawang pagrereklamo ng biktima laban sa suspek sa kanilang barangay dahil na rin sa kanilang alitan.

Nauwi sa palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng dalawa hanggang bigla na lamang bunutin ng suspek ang dalang patalim at sinaksak sa likod ang nabiglang biktima.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi natukoy na direksiyon dala ang ginamit na armas habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima kung saan ay patuloy itong inoobserbahan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.