Nagpopondo sa Surveys, Posibleng Kasuhan

NAGBANTA SI Comelec Commissioner Christian Robert Lim sa mga pulitikong nag-i-sponsor ng surveys ngunit hindi ito idineklara sa kanilang financial statement na maaari silang maharap sa kasong kriminal.

Sinabin ni Lim na gagamitin nila ang data mula sa mga survey firm para i-countercheck ang mga financial statement ng mga kandidato.

Maaalala na kamakailan lamang ay naglabas ng Resolution 9674 ang poll body para sa SWS, Pulse Asia at iba pang mga kahalintulad na kumpanya na ilabas ang listahan ng kanilang commissioners at financiers para makita kung may mga politikong nagpapatakbo ng survey ng political standing.

Kung mabibigo umano ang mga kandidato na mapagtugma ang kanilang financial record at ginastos sa pagpapa-survey ay posible nila itong kasuhan ng perjury sa Department of Justice (DoJ).

Samantala, seryoso ang kanilang kampanya para sa campaign finance kaya tiyak na may mga mahahabol na lumabag sa mga patakaran kahit matapos na ang halalan, giit ni Lim.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.