Nagpatingin sa doktor sa utak: Claudine Barretto, may topak!?

TILA NAPAPADALAS ANG pagkakasakit ni Claudine Barretto ngayon.

A few months ago, namaga ang kanyang mukha sanhi yata ng impeksiyon. Kitang-kita nga sa TV ang pamamaga ng kanyang face, pero nanatili pa rin siyang maganda.

Ang huli naming balita, muling naospital si Claudine pero hindi namin nalaman kung bakit. Nabasa na lang namin sa Twitter niya na naospital siya.

Ang nalaman namin ay ang doctor na sumuri kay Claudine – si Dr. Jovencio Cuanang, Head ng St. Luke’s neurodevelopmental center.

Hindi kaya masyadong depressed ngayon si Claudine kaya siya nagpagamot?

MUKHANG LUMALAKI NA ang ulo ni Andi Eigenmann.

Nasagap kasi namin na nagmamaldita na raw ito sa production staff ng kanyang TV show. Feeling big star na raw ito kung umasta.

May isang instance na tinarayan daw nito ang isang production assistant habang sila ay nagte-taping. Tumili raw ang dalaga ng ipaalala sa kanya na kailangan na niyang mag-reading para sa kukunang eksena.

At hindi lang pala sa production madalas magtaray ang hitad. Maging sa kanyang handlers ay nagsusungit rin ito.

Kaya naman siya raw ang may korona ngayon sa Star Magic bilang talent na may pinakaraming beses na nagpalit ng handlers. Hindi kasi siya makasundo ng kanyang handler.

Madalas ay sumusuko ang mga ito dahil sa kanyang kamalditahan.

Isa pa, nakakuwentuhan raw nito ang isang aktres. Naglitanya raw ang Andi ng ganito sa kanyang kausap, “Kung nasa GMA-7 ako ngayon, siguro milyonaryo na ako”.

Me gano’ng drama si Andi? Nalunod na ba siya sa isang basong tubig?

KAKALOKA ITONG SI Sam Milby. Hindi pala niya type ang Pasko sa ating bansa. Mainit daw kasi rito tuwing sasapit ang Christmas.

Sabi niya, “It was hot here. It felt awkward kasi, actually, tuwing Pasko rito sa Pilipinas it doesn’t feel like Christmas to me dahil mainit. And I know it’s a lot different here. It starts early here. Pero for me, I’m so sanay sa lamig. Malamig talaga ‘pag Christmas sa US. It feels like anytime of the year for me,” esplika ng Fil-Am actor-singer sa launching niya bilang isa sa mga endorsers ng Blue Water Day Spa kamakailan.

Ikinuwento ni Sam kung paano sila mag-celebrate ng Pasko sa US. “Dati pa nagde-decorate kami ng bahay, we’d go to different places. Na ‘yung villages, sobrang decorated lahat ‘yung mga houses nila. Siyempre, malamig doon. And I’m with my family which is nice.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

32 thoughts on “Nagpatingin sa doktor sa utak: Claudine Barretto, may topak!?

  1. bakit ba galit kayo kay sam samantalang iyon ang preference niya. eh di diyan kayo sa pinas – hindi pa kasi na experience ng marami ang white christmas so they don’t know how it is

  2. Basilio!!!…..Crispin!!! a’san na kayoooo….Basilio!!!! Crispin!!! walang hiya kayo, tinago nyo ang Twitter ko!…

    • What’s the connection between her Migraine and her Pagmamaldita? What’s her sorry excuse? Nag ma-migraine siya when she uttered death theats and nasty Twitter messages for the whole world to see? Maldita na yan nuon pa man….yung Migraine niya–KARMA brought on by her nasty dirty mouth, kailangan sambunin ng sabon pang laba.

    • hahahaha! panalo!
      baliw na talaga ang bakulaw!
      nakakabwisit lang umaapila pa ang asawa nya’ng nakatago sa saya nya na tigilan na raw ang nababaliw na nyang asawa alang alang sa mga anak nila!

      Hello!!!!! sana naisip din yan ng asawa nyang baliw! na bago dumakdak ng dumakdak sa twitter eh naisip nya mga anak nya!

  3. LoL!!!

    Natatawa lang talaga ako sa mga pinoy na pinangangalandakan na nasa ibang bansa sila dahil wa care mga noypi kung nasaang lupalop man kayo ng mundo.

  4. 1. Hindi psychiatrist si Joven Cuanang. Neurologist siya. Known na may migraine si Claudine di ba?

    2. Walang masama sa sinabi ni Sam na mas gusto niya sa US magpasko. Nandoon ang kanyang pamilya at doon siya lumaki. Ba’t mo siya binubukod dahil gusto niyang makapiling ang pamilya sa pasko sa lugar na kinalakhian niya? Iba ba ang kanyang pananaw sa ating lahat?

  5. I think hindi naman kayabangan ang sinabi ni Sam. Kung kami ngang mga nakatira rito sa US..iyon din ang sinasabi na mas maganda ang Pasko sa Pinas..every year iyon ang sinasabi namin..kasi doon tayo lumaki. Si Sam, kabaliktran naman ang sinasabi dahil doon din siya lumaki at iyon ang kinalakihan niya. Oyyy..eh di mayabang din pala kaming nasa US kasi sa tagal namin dito..paskong pilipinas pa rin ang gusto namin and we often say it too :)

  6. Meron serious mental problem si Clauidine as per St. Luke Nerve head expert findings, just like me ba, but now Im okey… Sa totoo lang.

    I suggest her to try Buddhism, Yoga and Trancendental Meditation. Also Pole dancing and everyday Kama Sutra. It really works. Promise.

  7. Kahit snowing dito every december gusto ko pa rin ang pasko sa Pinas, walang kapantay ang saya. Mag eemote emote na naman ako waaaa!

  8. iam now living here in california for 3 years…ang masasabi ko lang pinakamasayang pasko ang pinas… yeah its true malamig talaga dito kapag winter… pero sa california walang snow…but sa highland sa big bear… may snow….. decoration was good here…syempre fresh ang xmas tree…. pero i dont feel the spirit ng christmas… mas masaya pa kapag thanks giving…. honest lang si sam…mainit talaga sa pinas….well tropical kase ang pinas….yun lang

  9. ano kaya ang baho ni claudine na magpapabagsak ng tuluyan ng career niya gaya ng nabanggit sa pahayagan noon?

    sino ang me alam?

  10. karamihan sa ga artista ang palagi nilang scapegoat ay hospita at doktor na tulad ng gawain ni Claudine kung may tinatakasan.

    kung may bahid ng katotohanan yung kanyang pag iinarte sa mga nakaraang pangyayari tungkol sa sinasabi nya against Angeika bakit sa isang (first letter ng abogado ni Angelika) ay natakot at natameme na. Lumalabas na napakalaking sinungaling ni claudine gumagamit pa ng ibang kasamahan para lang mapagusapan, kaya tuloy na karma.

    Nung nawalan ng pagkakakitaan si loysaga anong ginawa ni gretchen, iniwan si loysaga, nung nawala na sa pulitika si dennis at wala ng delihensya anong kadramahan ang ginawa ni marjorie para lang maghiwalay sila ni dennis ( na akala mo nuon ay para silang mga pagkit sa dikit) kay raymart naman wala na syang kerubin kaya may businessman naman si claudine he he he he opinion ko lang ha.

    • Korek, opinyon mo lang iyan. You have no idea why Marjorie left Dennis. It was dennis fault (womanizing) kaya hiniwalayan siya ng tuluyan ni Marjorie. Mas walang wala si Dennid P. noong mag steady pa lang sila. For Angelica, Claudine and Gretchen…hmmm, no idea.

    • Di ba si Loyzaga ang umiwan kay Gretchen. I remember noon, hinabol-habol pa ni Gretchen si Loyzaga at nag-create pa nga ng hysteria..or nagwala. Sinugod niya ang bahay. News nga iyon eh.

  11. Yeah, i agree, Sam grew up in the U.S. and Americans are direct to the point when they give their opinion and they don’t beat around the bush, i think Sam is just honest about his feelings and i can also understand how the people in the Philippines would react to his statements, it sounds mayabang, but it is the truth, it is hot and humid here in the Philippines, and we can’t change that fact because it is the truth.

  12. What’s wrong with his opinion? to each his own nalang. For people used to White Christmas, syempre un gusto nila! I don’t think he meant to sound condescending like you people make it seem. I stayed in pinas for 10 yrs when I was young, and I know there’s a big difference of how Xmas is celebrated and iba talaga ung atmosphere in both places.

  13. hay naku…kung ako ke aqua wag syang mag maldita..because just so she knows kaya sumikat ang series nyang agua bendita..is because of the the amazing talent of xyril that make her series popular…as far as i know hindi na dapat sya ipapasok sa serye na e2 if not for her mother na super sumugod sa channel 2 diba..i heard na issue pa yun…kya she should clear this up because the kapamilya does need another hardheaded, big headed artist…as far as i know all the talent of the kapamilya network are all graceful,bankable, and successful actress and actors kya if she dont like to have her career short lived she should watched out for her attitude because it doesn’t mean to say that your from the family of great actors mean eh great kana din…lousy parin sya umarte just so she knows!!! SHE DOES NOT EVEN AMAZE ME, SHE BORED ME me…kinakain lang sya nang mga kaeksena nya

  14. hay naku…kung ako ke aqua wag syang mag maldita..because just so she knows kaya sumikat ang series nyang agua bendita..is because of the the amazing talent of xyril that make her series popular…as far as i know hindi na dapat sya ipapasok sa serye na e2 if not for her mother na super sumugod sa channel 2 diba..i heard na issue pa yun…kya she should clear this up because the kapamilya does need another hardheaded, big headed artist…as far as i know all the talent of the kapamilya network are all graceful,bankable, and successful actress and actors kya if she dont like to have her career short lived she should watched out for her attitude because it doesn’t mean to say that your from the family of great actors mean eh great kana din…lousy parin sya umarte just so she knows!!! she does even amaze me she bored me…kinakain lang sya nang mga kaeksena nya

  15. tama si kulitkulit, oa na hanggang ngayon e di pa rin sanay si sam sa weather dito sa pinas considering na ilang taon na rin shang based dito, para kang si martin nievera na di pa rin maayos magtagalog hanggang ngayon, gets?

    • Hindi mayabang. Kung iyon ang nakalakihan niya, normal lang na iyon ang hinahanap hanap niya. Nakasanayan niya ang White Christmas na may snow, sa Pilipinas naman, ang Pasko ay alaala nang mga parol at puto bumbong.

    • mayabang na hindi mayabang. gets?! well kung ayaw nya pasko dito eh di bumalik sya doon sa us na kung saan eh 2nd class citizen lang sya nuh! di komo pinanganak ka dun eh ka level mo na mga puti. hindi noh! may feeling superior yang mga lecheng puti na yan.

      • Pero yan naman ang hinahanap ng maraming mga Asian, kagaya ng mga Pinay. Basta mga puti (o maski anong foreigner), nagkakandarapa ang mga Pinay. Kesehodang bugbugin sila, o poor lang pala ang foreigner na yon sa bansa nya. Akala ng maraming Pinay, gaganda ang buhay nila sa mga puti. Ang iba, mukha ng lolo, sige pa rin ang mga babaeng ito. Anong klaseng mentality meron ang mga babaeng Pinay na ito?
        Kaya tuloy, pati mga matitinong babae, affected sa image na nililikha ng mga babaeng Pilipina na naghahanap lagi ng mga puti (at iba pang banyaga)
        NAKAKAHIYA SILA!!!!!

      • wala naman talagang masama sa sinabi ni Sam at nagets naman siguro ng mga nagbabasa na hindi talaga kayabangan yung sinabi nya kasi laking states eh. pero hindi mo talaga maiaalis sa mga pinoy ang mayabangan lalo pa’t majority ng mga pinoy hindi pa nakakapunta don. yun lang yun. at yung iba naman dyan wag na ipangalandakan na andun sila sa states dahil wititit care ng mga pinoy kung sang lupalop ng mndo kayo andun. no offense meant

Leave a Reply

Your email address will not be published.