Nagpaseksing aktres, pumatol sa DOM sa kawalan ng proyekto! – Alex Brosas

Hanggang ngayon daw ay mahal pa rin ni Billy Crawford ang dancer na nakarelasyon niya.

Ang tsika sa amin, kahit na nga raw dyowa na niya si Nikki Gil, hindi pa rin daw n’ya nakalilimutan ang former French choreographer-girlfriend niyang si Maryss. Until now, may communication pa rin daw sila ng dancer. Hindi pa rin kasi niya ito nakakalimutan at palagi niya raw itong naaalala.

Sa isang interview, inamin naman ni Billy na naging girlfriend at live-in partner nga niya si Maryss. Nagsama sila rito at sa Paris. Ilang taon din silang naging live-in partner. At nang mag-decide nga si Billy na mag-stay muna rito sa Pilipinas, binitbit niya si Maryss. Pero, hindi pa raw sila nagpakasal kaya libreng-libre siyang magpakasal sa sinumang babae.

Alam kaya ni Nikki na may communication pa sina Billy at Maryss?

Anyway, mukhang smooth-sailing naman ang relasyon ng dalawa. Palagi silang magkasama sa mga shows at maging sa isang toothpaste commercial ay partner pa sila.

NAGSALITA NA SI Geoff Eigenmann sa isyung kinasangkutan ng kanyang inang si Gina Alajar.

Sa Christmas party for the press ng PPL Management ng talent manager na si Perry Lansigan, sinabi nitong 100% nilang susuportahan ang kanilang ina laban sa mga batikos na tinanggap nito kaugnay ng Manny Pacquiao-Krista Ranillo issue.

Humihingi kasi ng public apology ang kampo ni Krista matapos na mag-post si Gina ng shoutout sa kanyang Facebook account na nagsasabing dapat ipaglaban ni Jinkee Pacquiao ang kanyang dyowa laban kay Krista.

Ang huling tsika, nagbabalak daw ang kampo ni Krista na idemanda si Gina dahil sa kontrobersiyal nitong Facebook shoutout.

“Kung lumabas man ‘yon, people have their own opinions on things,” sabi ni Geoff. “Bahala na kung ano ang mangyari. Everything is under control naman. She’s in good hands and she has nothing to worry naman. Her family will always be behind her 100%.”

At ito naman ang buwelta ni Geoff sa isyung kailangang mag-public apology ni Gina para malinis ang pangalan ni Krista: “We’ll see what happens. Anything can happen. I think my mom deserves an apology, too. But it never came.”

Kawawa naman pala ang isang aktres na ito. Sa kawalan daw kasi ng proyekto ay pumatol na siya sa isang DOM.

Bagets pa nang magsimula ang aktres sa showbiz. Noong una, wholesome pa ang image niya. Nang lumaon, nagpatangay na rin siya sa agos at pumayag na ring mag-pose nang sexy sa isang men’s magazine.

Ang kaso, hindi naman kinagat ang pagpapaseksi ng hitad. Hindi nakatulong ang kanyang sexy image para pagkaguluhan siya ng mga kalalakihan at magkaroon siya ng maraming project.

In desperation daw, pinatulan na ng aktres ang isang executive na gumagawa ng commercial. Pumayag na raw itong maging “other woman.” Bigatin naman daw kasi ang executive at kayang-kayang ibigay ang kanyang luho sa katawan.

How pathetic!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Nagpaseksing aktres, pumatol sa DOM sa kawalan ng proyekto! – Alex Brosas

Leave a Reply

Your email address will not be published.