Nagpapautang ng 5-6, Niratrat

ISANG 5-6 lender ang pinagbabaril at napatay ng isa sa tatlong hindi nakikilalang suspek habang ang biktima ay nakasakay sa kanyang single motorcycle sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the spot ang biktimang si Noel Garcia, 53, ng Langaray St., Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 baril, isa sa ulo at dalawa sa dibdib.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng isang public market ilang dipa lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa ilang kapit-bahay ng biktima, nakasakay si Garcia sa kanyang single motorcycle at papaalis na nang biglang magsidati-ngan ang mga suspek, kung saan isa mga ito ay mabilis na nagbunot ng baril at tatlong ulit na pinaputukan ang biktima.

Duguan at walang buhay na humandusay sa kalsada ang biktima habang ang mga suspek naman ay nagkanya-kanyang pulasan sa iba’t ibang direksiyon.

Ayon sa ilang kamag-anak ng biktima, isang buwan umano ang nakalilipas ay may nakasagutan si Garcia na isang kapit-bahay hinggil sa illegal tapping ng kuryente.

Habang nasa kainitan ng argumento sa pagitan ng biktima at kanyang kapit-bahay, biglang binunot ng una ang kanyang baril at itinutok sa kanyang kasagutan.

Ang nasabing insidente ay humantong sa pagba-baranggayan at makalipas ang isang buwan ay pinatay ng biktima.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang pulisya ng imbestigayon para malaman ang tunay na motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima at para makilala rin ang mga suspek. (ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.