Nagpapakilalang Pulis, Kulong sa Pangingikil

SHOOT SA PIITAN ang lalaki na nagpapakilalang pulis matapos kikilan ang negosyante habang may nakasukbit na baril-barilan ang una sa baywang sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong Robbery Extortion at Usurpation of Authority si Lolito Aguirre, 50 ng Basilio St., Sampaloc, Manila.

Sa ulat, alas-10 ng umaga, kinikikilan ng P500 ng suspek si Lita Agna, 54 sa Baltazar St., 6th Avenue habang may nakabukol sa baywang ng una.

Nagpapakilalang pulis ang suspek at may paglabag umano ang biktima subalit isang kaanak ng huli ang agad na nakapagsumbong sa mga pulis.

Nang respondehan ay hindi na nakapalag ang suspek at nakuha sa bulsa ang P500 ng biktima at nabistong hindi pulis, kung saan nalaman na baril-barilan lang ang nakasukbit sa baywang. (MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.