Nagpapakilalang Parak; Senglot, Dinampot sa Pagwawala

DINAMPOT ANG isang kelot matapos makuhanan ng patalim nang magwala at magpakilalang parak sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong alarm and scandal, usurpation of authority, illegal possession of deadly weapon at paglabag sa Omnibus Election Code si Andrew Guttierez, 26, ng Peralta St., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi, lasing ang suspek at nagwawala sa 8th Avenue ng lungsod na na-

ging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay nagpakilalang pulis ang suspek sa mga tunay na pulis subalit nang hingan ng ID ay walang naipakita.

Nakuhanan ng patalim ang suspek at black beret na may logo ng Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office at sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.