Nagpapaaraw, niratrat ng riding in tandem

 

RIZAL – PATAY ANG 46-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki na motorcycle “riding in tandem” habang nagbibilad sa sikat ng pang umagang araw kamakalawa  sa bayan ng Pililla.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Cabotaje, may-asawa, residente ng Sitio Bulacan 1, Brgy. Halayhayin ng nasabing bayan.

Agad na tumakas ang mga salarin sakay ng kanilang itim na get-away motorcycle na hindi naplakahan patungo sa gawi ng Laguna province.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima kung saan ay nakikipagkuwentuhan ito sa kanyang kapit-bahay na si Roger Palmar, 48-anyos habang parehong nagbibilad sa araw.

Biglang huminto sa tapat ng dalawa ang mga suspek at nagbunot ng baril ang isa sa mga ito bago sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng naganap na pamamaslang.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.