Nagpanggap na PDEA agent 5 naka-bonet, nangholdap

TARGET NGAYON NG mga awtoridad ang limang kalalakihang holdaper matapos na harangin ang taxi na sinasakyan at holdapin ang 2 opisyal ng Lhuiller Pawnshop & Jewelry sa bahagi ng airport sa ML Quezon Rd., Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr., dakong alas-10:30 ng umaga kamakalawa ng maganap ang pangho-hold-up.

Nakasuot ng itim na Jacket na may tatak na PDEA ang limang lalaking naka-bonet na nangholdap sa mga biktimang sina Roberto Achurra, Regional Davao city manager; at John Arnel Desierto, Sr., area manager ng nasabing pawnshop.

Nakuha sa 2 biktima ang 2 backpack na puno ng mga alahas, pera, cellphone at iba pang personal na gamit ng 2 biktima.

Sa ngayon, patuloy ang man-hunt operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cebu.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.