Nagpanggap na pasyente Snatcher, Timbog

ARESTADO ANG isang pusakal na snatcher na nagpanggap na pasyente sa loob ng Bulacan Medical Center kamakalawa ng umaga sa Brgy. Guinhawa, Malolos City, Bulacan.

Sa report na ipinadala ni P/Supt Dave Poklay kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang inarestong suspek na si Jayson Esguerra, 21 anyos, residente ng Brgy. Sulipan, Apalit Pampanga; samantalang ang mga biktima naman ay nakilalang sina Ronald Bautista, 23 anyos, ng Baliuag; at Margie Manalang, 46, ng Brgy. Maasim, San Ildefonso, na inagawan rin ng cellphone ng suspek nito lamang Enero 17, 2012.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7:30 ng umaga, nang agawin ng suspek ang telepono ng huling biktima na si Ronald habang nagbabantay sa kanyang ama na may sakit na kasalukuyang nakaratay sa Intensive Care Unit sa ikatlong palapag sa gusali ng Bulacan Medical Center.

Umabot sa mahigit 30 minuto ang habulan sa pagitan ng mga capitol gaurd na sina Sgt. Allan Ramos, Sgt. Gregorio dela Paz at Sgt. Alcoriza, at mga pulis na nagpaikut-ikot sa capitol compound hanggang sa makarating  sa mini-forest, kung saan ito nadakip dahil tumulong na rin ang mga taong-bayan kung saan nabawi ang ninakaw na cellphone.

Nabatid na nagpanggap na pasyente ang suspek, kung saan naglagay ito ng malaking benda sa ulo na inakala ng mga bantay na maysakit din, subalit ilang minuto lang ang nakalilipas, bigla na lang nang-agaw ng cellphone.

Lumitaw rin sa im-bestigasyon ng mga pulis, na dati nang nakulong ang suspek sa kasong Robbery noong 2009, kung saan lumaya lamang ito matapos magpiyansa. Samantala, aminado ang suspek na siya ang nasalikod ng snatching sa loob at labas ng panlalawigang pagamutan.

Kaugnay nito, detenido ngayon ang  suspek sa Malolos City Jail sa kasong Robbery-Snatching.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.