Nagpanggap na Pari, Kalaboso

ARESTADO ANG isang 51-anyos na lalaki matapos magpanggap na pari at mangikil sa lungsod ng Dagupan.

Nakilala ang salarin  na si Danny De Vera, residente ng Brgy. Guiguilonen sa bayan ng Mangaldan.

Base sa pagsisiyasat, nagpakilala umanong Father Robert Mejia ang suspek sa isang real state company.

Kung saan tinawagan nito ang sekretarya ng kumpaniya na nakilalang si Marlou Moulic at nanghihingi ng donasyon para sa Feast of Sto Niño.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa may-ari ng pinapasukang kumpaniya na si Lucia De Vera.

Ngunit ang hindi alam ng suspek ay aktibo pala sa mga aktibidad sa simbahan ang may ari ng establisyemento.

Nagduda si De Vera sa nagpakilalang pari dahil hindi niya ito kilala kaya’t humiling na siya ng tulong sa mga kinauukulan.

Samantala, sa isinagawang entrapment operation ay agad itong hinuli ng mga awtoridad.

Inamin naman ng salarin ang pagkakamali at sinabing dahil sa kawalan ng trabaho kaya’t nagawa nitong manloko ng kapwa.

Kasalukuyang nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong Extortion.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.