Nagpanggap na Chatmate; Tibo, Tiklo sa Pagmolestiya sa Kaklase

PATUNG-PATONG NA kaso ang haharapin ng isang tomboy sa ginawang panloloko, pagmomolestiya at pamba-blackmail sa kanyang kaklaseng babae sa Iloilo City.

Sa ginawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI), nadakip ang salarin na si Claudine Jade Silverio y Roque, 19, estudyante sa University of Iloilo- PHINMA.

Sinabi ni NBI special agent John Katipunan na nagpakilala umano sa Facebook bilang si “John Conrad Domingo” ang suspek at naging chatmate ang biktima hanggang sa magkarelasyon ang mga ito at umabot pa sa pagtatalik sa pamamagitan ng internet o cybersex.

Mismong ang salarin ang nagreto sa biktima ng “ka-chatmate” sa Facebook na siya rin pala.

Kasunod nito, sinabi ng suspek sa biktima na bilang isang chatmate na may nagpakalat ng kanyang hubad na pictures sa Internet at kinakailangang bayaran ito para mapigilan ang pagpapakalat ng kanyang mga malalaswang larawan.

Nagkasundo ang mga ito na magkita sa barangay hall ng Brgy. Rizal, Jordan, Guimaras at doon naabutan ng biktima ang kanyang tomboy na kaklase na lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang kanyang naging karelasyon sa Facebook.

Ayon umano kay Silverio, nais ng kanyang karelasyon na galing pa umano ng Maynila na gusto nito na naka-blindfold siya.

Pumayag naman ang biktima at doon na nangyari ang pangmomolestiya sa kanya.

Base sa salaysay ng biktima, habang nakatayo at may takip sa mata, hinubaran umano siya at hinalikan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng suspek.

Habang minomolestya ang biktima, bahagya niyang nasilip ang kuko sa paa ng salarin at ito ang naging daan para matuklasan na ang kanyang tomboy na kaklase at ang kanyang ka-chatmate ay iisa pala matapos makitang pareho ang kuko at nail polish sa paa.

Matapos ang insidente, hindi na nakipag-ugnayan ang biktima sa tomboy na kaklase hanggang sa nakita na lamang nitong nakapaskil na sa gate ng kanilang bahay ang kanyang  mga hubad na larawan.

Dahil dito, napilitan ang biktima na makipagkasundo sa salarin na magbayad para huwag kumalat ang malalaswang larawan.

Lingid sa kaalaman ng salarin, nakipag-ugnayan na sa NBI ang biktima at doon na isinagawa ang entrapment operation kung saan nahuli sa akto ang tomboy habang minomolestya ang biktima na naka-blindfold din kagaya nang nauna nitong ginawa.

Samantala, nakuha rin ang mga hubad na larawan ng biktima na kuha mula sa nangyaring cybersex nila na pinapa-kalat ng suspek.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.