Nagpanggap na Bebot sa Facebook: Kelot, Tiklo sa Pangungulimbat

NADAKIP ANG isang lalaki matapos magpanggap na babae at makakuha ng pera mula sa isang lalaking nakilala sa Facebook.
Ayon sa kuwento ng biktimang si Rogie Gumeri, nahalina siya sa lambing ng boses at ganda ng isang nagpakilalang “Lavinia Franco” na nakilala niya sa Facebook noong Mayo 16.
Sa ilang araw na pagpapalitan ng mensahe, naging magkarelasyon ang dalawa ngunit nang sumunod na mga araw, nanghingi ng pamasahe si “Lavinia” kay Gumeri para umano makapagkita na sila.
Sa halip, ang nakipagkita kay Gumeri ay isang Juncer Visagas na nagpakilalang anak ni “Lavinia.”
Sinabi ng biktima na hindi na siya nagdalawang-isip na bigyan ito ng pera dahil mayaman umano si “Lavinia.”
“Halos daw kalahati ng Manila City Hall ‘yung kasinglaki ng bahay nila na may tatlong palapag. Naniwala po ako,” ayon kay Gumeri.
Sa loob ng isang linggong pakikipagrelasyon, umabot sa P3,500 ang nakuha ni “Lavinia” bukod pa sa laptop ni Gumeri na hiniram ngunit hindi na naibalik.
Dito na nagduda ang biktima at napag-alaman na si “Lavinia” pala at nagpakilalang anak nito na si Juncer Visagas ay iisa.
Samantala, paalala naman ng mga kinauukulan, huwag basta-basta magtitiwala sa mga taong nakikilala sa text at social networking sites.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.