Nagpalit ng Channel ng TV, Binoga Ng Sekyu

 

KRITIKAL ANG isang empleyado ng Robinson’s Appliance Center sa Tacloban City, Leyte makaraang barilin ng security guard ng naturang establisimyento.

Kinilala ang biktima na si Leo Salugaol, 26-anyos, may asawa at residente ng Tanauan, Leyte; samantalang arestado si Artche Acebo, 24, residente ng bayan ng Babatngon, na nasa tatlong buwan pa lamang bilang guwardiya.

Ayon kay Soledonio Tombaga, katrabaho at saksi sa pangyayari, hindi nila inaasahan na gagawin ng suspek ang pamamaril sapagkat nanood sila ng TV ng biktima bago ang naturang insidente.

Dagdag pa ni Tombaga, posibleng nagkaasaran nang magpalit ng channel ng telebisyon kaya nauwi sa pamamaril ang masayang panonood ng biktima at suspek.

Napag-alaman ding dalawang beses na binaril ng guwardiya nang malapitan ang biktima dahilan upang tamaan ito sa kanyang kaliwang tadyang gamit ang kalibre .33 na service firearm.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.