Nagpakilalang US Air Force, Kalaboso

KULONG ANG isang lalaki matapos masita dahil walang suot na helmet habang nakamatorsiklo at nagpakilalang miyembro ng US Air Force sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority si Kim Er Er, 24, project manager, ng C-3 Road ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, pinara ng mga nagpapatrolyang mga pulis ang suspek dahil walang suot na helmet sa C-4 Road ng lungsod.

Inangasan pa ng suspek ang mga pulis sabay pakita ng identification na miyembro umano siya ng US Air Force.

Dinala sa presinto ang suspek at bineripika ang ID at nang malaman na peke ay isinelda at sinampahan ng nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.