Nagpakilalang Pulis, Kulong sa Baril

KULONG ANG isang lalaki matapos makuhanan ng baril at nagpakilalang pulis sa isinagawang Check Point Operation sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Advincula, 52, ng Dagupan St., Tondo, Manila.

Batay sa ulat, alas-11 ng gabi, nagsasagawa ng check point ang mga pulis sa 10th Avenue kanto ng Baltazar St., ng lungsod nang mapadaan ang suspek sakay ng motorsiklo.

Pinara ng mga pulis ang suspek hanggang sa mapansin ang kalibre .45 na nakasukbit sa beywang ni Advincula.

Nagpakilalang pulis ang suspek subalit nang hingan ng identification card ay walang maipa-kita.

Lisensiyado naman ang baril subalit walang permit to carry na

naging dahilan upang dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.