Nagpakilalang NPA, arestado sa pangingikil sa marine engineer

SWAK SA SELDA ang isang 37-anyos na lalaki na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA), makaraang maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation, dahil sa pangingikil nito sa isang marine engineer sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kasong extortion ang isinampang asunto kay Antonio Baldo, alyas “Nonnie” at “Anthony,” tubong-Eastern Samar, naninirahan sa Wawa St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Chief Engr. Fidel Cuenta, 48, ng # 1046 M. Rivera St., Brgy. Sepac Almacen kay P02 Michael Mortel ng Station Investigation Division, tinawagan siya ng suspek na nagpakilalang NPA at

hinihingan ng P10,000.

“Kung hindi raw ako magbibigay, papatayin  po raw  ako kaya ganu’n na lang ang takot ko,” anang biktima.

Dahil dito, kaagad na nagpunta sa police station ang biktima at ipinagtapat ang kanyang problema.

Bandang alas-2:45 ng hapon, bumuo ng entrapment operation ang Navotas Police, na isinagawa sa 2nd floor ng isang fastfood chain sa Brgy. Sepac Almacen, kung saan magkikita sina Baldo at Engr. Cuenta.

Nang iniabot na ng biktima ang P3,000 sa suspek, dali-daling dinampot ito ng mga pulis na naroroon, bago pa man mag-abutan ng pera ang dalawa.

Kinumpirma ni PO2 Mortel na hindi totoong miyembro ng NPA si Baldo.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.