Nagpakalat ng Miranda-Naig Sex Video, Kakasuhan ng NBI

TINIYAK NG National Bureau of Investigation (NBI) na maaaring masampahan ng kaso ang sinumang nag-share at nag-upload ng sex video ng Parokya Ni Edgar vocalist na si  Chito Miranda at ng kanyang nobya na si Neri Naig.

Kaugnay nito, wala pang natatanggap na reklamo ang tanggapan ng NBI mula sa kampo ni Miranda kasunod ng pagkalat ng kanilang pribadong video.

Nabatid na una nang lumabas sa mga social networking sites ang nasabing video habang nagtatalik ang dalawa.

Samantala, sinabi ng NBI na maaaring makasuhan ang mga nagpakalat nito ng alinsunod sa 2009 Anti-Voyeurism Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.