Nagpabaya sa sunog sa Ever Gotesco Grand Central Caloocan Fire Chief, Sinibak ng DILG

SINIBAK NG Department of Interior and Local Government (DILG) si Caloocan City Fire Marshal Chief Insp. Oscar De Asis dahil umano sa kapabayaan sa pagtupad ng kanyang tungkulin habang  kasagsagan ng sunog sa Ever Gotesco Grand Central Mall kamakailan.

Ayon kay Chief Insp. Renato Marcial, spokeperson ng Bureau of Fire Protection ng National Capital Region (NCR), ang pagkakasibak kay De Asis ay base umano sa kautusan ni DILG Secretary Jesse  Robredo.

Nabatid na kaya sinibak si De Asis sa kanyang puwesto ay dahil sa kanyang kapabayaan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang Fire Marshal ng nasabing lungsod.

Napag-alaman pa na si De Asis ay nakitang lasing umano sa alak sa loob ng kanyang sasakyan nang dumating sa lugar ng nasusunog na gusali ng Ever Gotesco Grand Centra noong Marso 17, 2012, kung saan ay tumagal ng halos apat na araw.

Si De Asis ay pinalitan ni Supt. Roel Jeramy Diaz bilang hepe na ng pamatay sunog ng Caloocan City.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Nagpabaya sa sunog sa Ever Gotesco Grand Central Caloocan Fire Chief, Sinibak ng DILG

Leave a Reply

Your email address will not be published.