Nagnakaw sa Bakeshop ng Cong., Tiklo

ILOILO CITY – NADAKIP na ang suspek sa pagnanakaw sa bakeshop na pagmamay-ari ni city lone district Rep. Jerry Treñas ng Iloilo.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Nadayag, 27-anyos, at residente ng Rizal, Pala-Pala, Iloilo City.

Si Nadayag ang nahuli sa pagnanakaw ng pera sa BBR Beach Resort sa Arevalo, Iloilo City, ayon kay S/Supt. Marieto Valerio, director ng Iloilo City Police Office (ICPO).

Ito ay positibong kinilala bilang suspek dahil sa ibinentang laptop na na-identify na siya ring nawawalang gadget sa Carlos Bakeshop ng nabanggit na mambabatas.

Si Nadayag ay napag-alamang miyembro umano ng Mark Ugdang robbery group na nakabase sa Metro Manila.

Maliban sa pagnanakaw, may rekord na rin ang suspek sa kasong Vagrancy, Malicious Mischief at Alarm and Scandal. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.