Nagmumura ang dibdib
Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!

NAGPAPASEKSI NA pala si Heart Evangelista ngayon.

Heart appeared on the cover of a glossy magazine where she donned a bikini with a tee on top.

But what caught the attention of the readers was her nagmumurang boobs. Parang lumaki ang dibdib ni Heart and many were amused.

Not surprisingly, marami tuloy ang nag-react sa kanyang cover pictorial.

“Nilagyan ng cheeze ung boobs nya kaya lumaki!!!” wailed one guy.

“Nagpa boob job yan mtagal na,” tili naman ng isa.

“Photoshopped, super obvious. Hoho,” sabi naman ng isang reader.

Nagtataka lang kami, kung kailan naman nagging boyfriend ni Heart si senator Chiz Escudero ay ngayon pa siya nagpaseksi sa isang cover pictorial.

Bakit?

Nagpapapansin ba siya o gusto lang niyang ipangalandakan na sexy siya?

BAKA TULUYAN nang maging home of starlets itong GMA-7.

It appears kasi na isa-isa nang maglalayasan ang mga stars ng Kapuso network.

Una na rito si Lovi Poe na balitang-balita na lalayasan na ang Siyete. Panay nga ang guest nito sa kalabang istasyon ng GMA, ang ABS-CBN.

Naloka nga kami dahil biglang nag-trending topic ang appearance ni Lovi sa show ni Vice Ganda, bagay na hindi niya kailanman natikman noong nasa Siyete pa siya.

Si Marian Something ay nagpahiwatig na rin na gusto na niyang magtrabaho sa ibang network.

Kawalan ng utang ng loob ang tingin namin sa balak niyang ito. Sino ba ang nagpala sa kanya for the past seven years, hindi ba ang GMA-7? She was plucked from starlethood and was made a star by GMA. She was given the Primetime Queen moniker nga kahit na hindi naman talaga bagay sa kanya.

After she left Popoy Something’s management ay lalayasan na rin ni Marianita ang Siyete? What does it say about her?

Sabi ni Marian, marunong daw siyang tumanaw ng utang na loob. Has it taken a new meaning? Hindi namin alam na komedyante na pala si Marian ngayon.

Magpapagamot si Regine Velasquez ng kanyang lalamunan and she asked for a one month’s leave sa GMA-7.

Matagal-tagal palang gamutan ang sakit ni Songbird at posibleng hindi lang isang buwan ang kailanganin niyang bakasyon.

But there are also talks na susundan niya sa TV5 ang asawang si Ogie Alcasid na tuloy na tuloy na ang paglipat sa Singko.

With all these stars na tila lalayasan na ang Siyete, may matira pa kayang big stars sa Kapuso network?

‘Pag nagkataon, baka maging Starlet Kapuso Network na ang itawag sa kanila sa kawalan nila ng big stars.

What do you think?

 

BINASTOS PALA si Keempee de Leon ng mga Dabarkads niya sa Eat… Bulaga!.

Nabasa namin ang kanyang sentiment na inilabas ng isang entertainment website where he poured his heart out through his Instagram application.

“HK at night by the bay… walking n thinking… pissed off! May God forgive me. In this world u can never tell who ur REAL friends are. You thought they were good to u… pero with out u knowing Pinagkakaisahan ka na. I just HATE PEOPLE LOOKING at EACH OTHER ng PASIMPLE at NAGSESENYASAN at NANGUNGUSAP ang MGA MATA at ikaw ang PINAGSESENYASAN at PINAGKAKAISAHAN at PINAGUUSAPAN. Basta ako ang ALAM KO WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA SA KANILA!!! IPAPASA DIYOS KO NA LANG SILANG LAHAT! At least ALAM ng DIYOS kung ANO ang SENYASAN NILA TUNGKOL SAKIN at GINAGAWA NILA. Basta ako naging TOTOO AKO sa kanilang lahat,” litany ni Keempee.

Sa dami ng mga kasamang Dabarkads ni Keempee sa Eat… Bulaga! ay sino kaya ang kanyang pinatutungkulan?

Ganyan ba kabastos ang mga Dabarkads?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

10 thoughts on “Nagmumura ang dibdib
Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!

  1. Hay naku putang tae mo alex inggit ka lang kay heart eh hahahahah baka gusto mo magpadagdag ka rin hahahaha…

  2. matagal na nmang ngpadagdag ng boobs yang c olive oil eh….pero pra ngang mas lumaki pa ngaun bka ngpadagdag ulit….dun nga sa HOT TV dinisplay din nya yang malaking boobs nya, nka bustier o tube dress zana luwa naang boobsicles nya at humuhulagpos na ala rufa mae quinto…di nman bagay sknya kc ang payatot nya, hindi proportion sa katawan nya…

  3. hay naku! wala naman bomba sa cover ng esquire magazine maganda suna kung may aral kang matutunan gaya ng la nga ang ex bf mo heart  nagbigay ng payo kung paano aalagaan ang katawan ng tao at umiwas sa masamang bisyo kung ako kay heart  panty na lang sana ang itinira mo tapos sinulatan mo nang “vote  ” ang dibdib mo yan mas maganda kung kailan tumanda ka saka ka lang gumanyan at kung kailan malapit na ang eleksyon saka lang lumabas ang isyu na yan 

  4. Mga KABABAYAN –> PAGPYESTAHAN NIYO NA ANG KATAWAN NG ” FUTURE FIRST LADY ” natin… Bumaba ang rating ni Cheez ( laking pagkakamali talaga ang pagpatol niya dito )…at lalong lalo na bumaba ang pagka ” DISENTE” ng mga ONGPAUCO !  Mga dryber, trabahador at mga tambay..isabit nyo na sa dingding niyo ang litrato ng FIRST LADY NATIN . FIESTA NA!

    • Magagaling kasi nakapaligid na tao kay heart ngayon. Si cheez na ok lang gawin at sabihin ni heart basta mapagusapan sya sa election. kung matino ba naman yan si cheez d ba pagsasabihan nya yan na magpakadisente?nagpainterbyu pa sila sa magazine? yan ba ang hindi ginagamit si heart? gamitan lang talaga at tama ung ina ni heart, ginagamit lang talaga tindin ni heart binibigyan sya ng freedom ni cheez opposite ng magulang niya. haaay taktika ng matatandanglalaki sa batang kasintahan yan. alam nila kiliti at kahinaan. isa pa ung alessandra de rossi. encourage nya heart na deadmahin lang lahat ang sabihin at gawin kung ano gusto. kaya ayun parang ibon nakawala si heart. sa totoo lang kahit magpakamature pa sya ng sagot sa interview, halatang wala pang alam sa kilos ng tao itong neneng nakikipaglive in naito.

  5. NAKOH, NAKAKALOKAH NAMAN ANG PHOTO NA ITO NI HEART. HINDI KAYA LALONG ATAKIHIN SA PUSO SI PUDRA AT MANIGAS LALO ANG FEZLAK NI MUDRA PAG NAKITA NILA ITECH? SABAGAY, 28 NA YATA SI HEART, SO BAKA NAMAN KUNG KELAN MAGING WRANGLER NA EH TSAKA MAGJUJUBAD. PERO TEKA, MUKHA NGANG MALAKI ANG BOOBEY NYA DITO. HINDI KAYA PHOTOSHOPPED LANG YAN? 

    • Isa lang ang sagot diyan ” FOR THE LOVE OF CHEEZ” magpapanty lang yan sa cover ng mag