Nagmumukhang walang pinagkakaabalahan Sharon Cuneta, dapat nang manahimik sa Twitter!

SAAN BA namin napanood itong si Janno Gibbs na umaawit siya at inaawitan niya ang isang dalagita? A-lice Bungisngis ba ‘yon?

Whatever.

Kung close lang kami kay Janno, itatanong namin sa kanya, “Ano’ng nangyari? Ba’t nanaba ka nang husto? Pati pisngi mo, parang lumapad?”

Ayaw naman naming itanong kung, “Sa kusina ka ba natulog?” Baka siyempre, ma-offend, mahirap na.

Pero in fairness to Janno, kung kapansin-pansin ang kanyang lusog, eh, kapansin-pansin din ang hindi pa rin pagbabago ng timbre ng kanyang magandang boses.

Pero sana, ‘wag na siya masyadong papataba para makahabol siya sa kaguwapuhan ng ama niyang si Ronaldo Valdez.

ISANG ARTISTA ang nakausap namin na ayaw namang ipabanggit ang kanyang name. Baka raw ma-misinterpret ni Ms. Sharon Cuneta.

Sabi ko naman dito, kung concerned lang naman siya kay Mega, walang masama. “’Wag na. Basta ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya na ‘wag na siyang patol nang patol sa mga bashers niya.

“’Wag niya kamong kakalimutan na she can’t please everybody. Kung iisa-isahin niyang sagutin ‘yan, wala na ‘yang katapusan. Kung gusto mong matapos na ‘yan, unahin niya kamo ang pananahimik.

“Para kahit ano pang dakdak ng mga bashers niya sa twitter, deadma lang. Kasi nga, walang pumapansin na sa kanila.

“Saka pakisabi kay Sharon, Megastar siya. Kung starlet si Sharon, maiintindihan ko siya sa kapapatol niya, eh. Kasi nga, ‘di ba, pag starlet, puwedeng hindi masyadong busy, ‘di ba?

“Eh, megastar siya, hindi naman siya starlet, eh. Just make herself busy kamo. And let the people feel na bising-busy siya sa career niya at wala siyang panahon sa mga haters.

“Stop stooping down to their levels!”

I’m sure, makakarating naman ito kay Megastar. At sana, ‘wag niyang masamain ito. Dahil kung hindi naman kami nagmamalasakit sa kanya, pakialam ba namin sa kanya, ‘di ba?

VARSITY PLAYER sa badminton si TJ Alonzo, pero gustong pasukin ang magulong mundo ng showbiz, kaya all-out support naman ang kanyang manager na si JK de Torres ng JKD Productions.

Nakagawa na ng dalawang indie movies ang 19-year old badminton player na may height na 5’7” at may waistline na 29 – ang Galaw at Gapang under Greendie Productions.

Pero pangarap din ni TJ na maka-penetrate sa mainstream. At tulad ng ibang indie actors, gusto nitong sundan ang mga yapak ni Coco Martin na nagsimula sa paggawa ng indie at ngayo’y nagbibida na sa mga teleserye.

“Pero tinatapos ko pa rin po ang course ko. Iba rin po ‘pag me fallback kung saka-ling hindi suwertihin sa showbiz,” sey ng flawless na si TJ.

Nagpakita ba siya sa dalawang indie films?

“Panoorin n’yo na lang po. Mahirap na pong magsalita eh.”

Aba, mukha ngang exciting, huh!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSarah Geronimo: Ang Kanyang Reel at Real Relationship
Next articleGov. Vilma Santos, wala daw panahon sa Twitter!

No posts to display