Nagmu-move on raw sa hiwalayan nila
Derek Ramsay, umaasang maging magkaibigan pa rin sila ni Angelica Panganiban

NOONG NAKARAANG Martes, nakaalis na ng bansa si Derek Ramsay patungong London para maging reporter ng TV5 sa Olympics 2012. Ramdam ang sobrang excitement ng aktor sa trabaho na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapatid Network, naging tapat naman si Derek na gagawin niya ito sa kauna-unahang pagkakataon at baka maging fan siya. Pero siniguro naman sa kanya ng TV5 na okay lang ito sa kanila, maging totoo lang siya sa kaniyang sarili dahil naniniwala sila na bilang isang mahusay na athlete ay may mga kaya siyang itanong na hindi kayang tanungin ng mga ordinaryong reporters na hindi gamay ang larangan ng palakasan.

Excited din na mapanood ang mga games  sa Olympics tulad ng basketball, football, bmx, gymnastics, naniniwala kami na sa talino at husay sumagot ni Derek ay kayang-kaya nito ang pagre-report na gagawin tungkol sa mga kaganapan sa Olympics.

Kinumusta rin namin ang kanyang puso sa ngayon pagkatapos ng break-up nila Angelica Pa-nganiban, ‘di tinago ni Derek na nu’ng una ay hindi niya alam kung saan ilalagay ang sarili. Anim na taon kasing naging importanteng bahagi ng buhay niya ang ex-girlfriend. Pero ngayon ay maayos na siya at nagmu-move on.

Sa tanong namin kung bukas na ba siya sa bagong pakiki-pagrelasyon, sinagot kami ni Derek na walang makapagsasabi nito, dahil hindi hinahanap ang pag-ibig. At kahit nasaan ka pa ay puwede kang biglang magmahal. Sa ngayon, pokus sa trabaho, pero puwede ang naging sagot sa amin ng aktor nang tanungin namin kung nakikipag-date ba siya sa ngayon.

Sa simula pa lang ay bukas naman na hindi siya nagsasarado ng pinto na maaari silang maging magkaibigan pagdating ng tamang panahon ni Angelica. Sa kabila ng mga isyung naglalabasan sa ex-girlfriend, wala kaming narinig na hindi magandang sinabi si Derek tungkol sa aktres.

 

ISA SA balitang lumabas nang pumutok ang isyu na nauwi sa hiwalayan ang relasyong Cristine Reyes at Rayver Cruz, nakahinga raw nang maluwag ang pamilya ng aktor, dahil ‘di raw boto ang mga ito kay AA. Puro balita at sa huli ay napatunayan namang wala palang break-up na naganap. Pero hindi mamatay ang isyu na hindi raw gusto ng pamilya ni Rayver ang girlfriend.

Ayon kay Rayver sa interview namin kamakailan sa kanya, walang katotohanan ang isyu na ito, dahil kasama pang nag-celebrate ng pamilya niya si Cristine nu’ng nakaraang Biyernes. Inesplika nito sa amin na hindi maiimbitahan dito ang girlfriend kung hindi ito in good terms sa pamilya niya.

Tinanong namin kung ano ang regalo sa kanya ng aktres, para kay Rayver ang pagmamahal ni AA ay sapat na pero ang alam niya kasama ang birthday gift nito sa kanya sa balikbayan box ng aktres galing London, kung saan nandu’n din ang pasalubong nito sa kanya.

Klinaro muli sa amin na wala silang malalim na pinagdaanan o pinagdaraanan ng aktres, hindi na nila ito sineseryoso at pinagkikibit-balikat na lang dahil hindi naman totoo. Ang mahalaga para kay Rayver, masaya sila sa isa’t isa ni Cristine at masaya sila sa kanilang relasyon.

Na-involved din kamakailan sa isang politician si Cristine, bagay na ayon kay Rayver ay kanya lang pinagtawanan dahil normal na sa girlfriend ang laging laman ng mga   balita.   Hiningan  din   namin ng reaksyon sa balitang nagparetoke raw si AA,ang tanging reaksyon dito ni Rayver, bahala na lang ang ibang tao sa gustong isipin, tanggap na ni Rayver na bahagi ng buhay nilang mga artista ang ganitong klase ng mga balita.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

8 thoughts on “Nagmu-move on raw sa hiwalayan nila
Derek Ramsay, umaasang maging magkaibigan pa rin sila ni Angelica Panganiban

  1. wag na sanang pagusapan o isulat ang matandang derek na toh, nagpapakakotrobersyal, nagpapasulat ng artikulo para mapansin ang gurang natoh. laos na kasi kaya kahit lamiit na issue pinapalaki o pinapatulan pa. ang kanila ni angelica tapos na pero salita pa rin ng salita ang amoy lupang derk. tanggapin mo nang laos ka nang gurang ka kaya wag na gamitin ang ex mo!

  2. t0ng derek na 2 yung syd nya ang ngawa ng ngawa ’bout sa breakup chuvaness.. . .
    bakLa tLga 2, waLa na bng iba?? gmit na gmit c ap sau! grabe,
    at sagLit,
    d p rin aq mka.gt.ovr dun sa ngtn0ng sau sa twitter ’bout sa dugo sa ihi na knagaLit m0.. . . .
    kung me knaLaman pLa sa kdney eh bat k naGaLit????? hahaha,
    kasi.. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

  3. hahahaha ask mvp kung bakit dugo na ang lumabas k derek.. hahahahahaha… grabe tong c mvp at derek sabagay 300 million plus allowances pa.. kaya hayun umabaot na dugo na ang lumabas hahahahah

  4. Derek is just nothin but a dick. Period. Nobody in their right mind should treat a lady like that. If you want to go fuck around with random strangers. Why not, stay single! instead of being in a relationship and hurting someone who you know loves and caress for you.

Leave a Reply

Your email address will not be published.