Naglaro sa Dagat; 4-anyos, Nalunod

NALUNOD ANG isang bata habang naglalaro sa dagat na sakop ng Brgy. Pasungol, Santa, Ilocos Sur.

Nakilala ang biktima na si Alyssa Laurente, 4, na taga-Pasungol, Santa ng nasabing lalawigan.

Base sa report ng mga kinauukulan, kasama ng biktima ang dalawang iba pang bata na parehong pitong taong gulang na pumunta sa dagat.

Hanggang sa nakita na lamang ng mga kasamahan ang bata na nasa malalim na itong bahagi ng dagat kaya’t humingi na sila ng saklolo.

Agad namang natagpuan ang naturang biktima at isinugod sa Santa Rural Health Unit, ngunit hindi na naisalba pa at binawian din ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.