Naglaro ng ari sa harap ng mga Nene

KULONG ANG ISANG exhibitionist matapos laruin ang ari sa harap ng mga dalagita na mga kalugar ng una sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ruben de Leon, 27, ng B. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Batay sa ulat,  alas-7 ng umaga, nakatayo ang limang dalagita na may edad 12 hanggang 19 sa B. Cruz st., Tangos nang lapitan ng suspek at ilabas ang ari.

Nilaro pa ng suspek ang ari nito sa harap ng mga dalagita na naging dahilan upang magtakbuhan ang mga huli at magsumbong sa mga barangay tanod.

Agad namang pinuntuhan ng mga tanod ang suspek at dinakip kung saan isang bebot pa ang lumutang sa presinto at sinabing nilaro rin sa kanyang harap ang ari ni de Leon.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.