Naglalabasang testigo sa PDAF case, sasalain

NILINAW NG Palasyo na hindi naman lahat ng mga lumalabas para tumestigo sa pork barrel fund scam ay kukunin agad bilang state witness.

Maaalala na maliban kina Ruby Tuason at Dennis Cunanan, dalawa pang dating opisyal umano ng National Agribusiness Corporation (NABSECOR) ay nagsabi ring handa silang lumitaw at tumestigo para sa pamahalaan.

Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na mismong si Justice Sec. Leila de Lima ang nagsabing hindi lahat ng mga nagbo-volunteer ay awtomatiko nang state witness.

Ayon kay Valte, sasalain at susuriing mabuti ng Department of Justice (DoJ) ang testimonya ng mga testigo para maikonsiderang ebidensya.

Kung wala naman daw impact ang mga bagong testimonya sa mga kasong nakahain na sa Ombudsman ay maari namang tanggihan ng DoJ.

“Sasalain po ng Department of Justice ‘yan. Secretary (Leila) de Lima has already made this clear na hindi po lahat na nagvo-volunteer ay kukunin po ‘yan ng Department of Justice. Susuriin po nilang mabuti at sasalain pong mabuti ‘yung testimonya para magkaroon ho ng evaluation ang Department of Justice kung ano ho ‘yung impact noon doon sa mga kasong finile (file) na sa Office of the Ombudsman,” pahayag ni Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.