Naglagay pa ng Camera: Kelot, Namboso sa Dalagang Boarder

UMAMIN NA rin ang isang kelot na binobosohan niya ang kanilang dalagang boarder gamit ang mga nakakubling camera na ikinabit sa kuwarto ng biktima sa Laoag City.

Ang nasabing pag-amin ay ginawa ng salarin na si Jomer Labayug, tubong Laoag City, sa ginawang kumprontasyon sa himpilan ng pulisya.

Gayunman, sinabi ni Labayug na tatlong araw pa lamang na nakakabit ang ginamit na camera.

Pansamantalang pinatawad ng biktima si Labayug sa kundisyon na handa siyang magsampa ng kaso laban sa salarin kapag madiskubre na mayroon itong larawan na na-upload sa internet.

Maliban dito, nais din ng biktima na muli silang maghaharap kapag umuwi ang asawa ni Labayug na nasa Saudi.

Samantala, narekober din ng mga kinauukulan sa bahay ni Labayug ang isang unit ng computer monitor, CPU, Globe modem at cellphone.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.