Nagkopyahan sa Exam; 13 pulis, sinibak

TINANGGAL SA serbisyo ang 13 pulis matapos na umano’y mandaya  sa kanilang entrance and promotional examination na pinangasiwaan ng National Police Commission (NAPOLCOM) kamakailan lamang sa Zamboanga City.

Kinilala ang 13 mga pulis na ito na sina PO1Djona Ansing Genorosa, PO1 Felix Josephius Pascual,PO1 Arian Lloyd CAyacap Luchana, PO1 April Rose Alvendar Denopol, PO1 Grege Montallana Lagare, PO1 Ralph Shemuel DAya Supnet, PO1 Daniel Audy II Dayap Talpis, PO1 Al-Najib Hadjula Ujaji, PO1 Fermuzaina Umda, PO1 Joel ESpina Aliser, PO1 Jilhani Mohaimen Dalongenes, PO1 Nohasim Yusop Sakilin, at PO1 Raymond Gravino Sumonglay.

“I have recommended to the Termination Board to act on this matter and they have conducted a lawful termination procedure which is a consequence that those dishonest policemen should face,” sinabi ni Police Regional Office 9 Director Chief Supt. Napoleon Estilles

Ayon kay Estilles, mayroon silang mga hawak na ebidensiya na magpapatunay na nandaya nga ang mga nasabing pulis at nakasaad sa kanilang mga ebidensya na sinadya o intensyong gawin ang pandaraya na maikokonsidera aniyang paglabag sa code of conduct and discipline of the Police organization.

Dahil dito, ayon kay Estilles, nagpalabas ang NAPOLCOM ng isang resolution na may numerong  2012-261 na ipawalang-bisa ang resulta ng eksaminasyon na isinagawa noong April 17,2011 ng may 386 na mga examinees dahil nga sa pagkakadiskubre sa pandaraya ng ilang pulis.

Pero tiniyak naman ni Estilles na dadaan sa due process ang pagkakasibak sa 13 mga pulis.

“All of the respondents were given the due process, they were notified of the complaint against them, they executed affidavits and attended the hearing but the termination board found them guilty of the culpable violations of dishonesty,” sinabi ni Estilles.  (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.